Uber at Grab ipatatawag sa Senado

By Ruel Perez July 18, 2017 - 05:26 PM

Nakatakdang ipatawag ni Sen. JV Ejercito ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB), mga opisyal ng Uber at Grab para sa isang pagpupulong

Ayon kay Ejercito, naglalayon ito na malutas sa mapayapang paraan ang ikinakasang service ban sa mga transport network companies o TNCs sa bansa.

Paliwanag ng senador, nais niyang magkaroon ng kompromiso sa magkabilang kampo at gayundin masolusyonan ang mga pagkukulang sa public transportation para sa lalong ikagaganda ng serbisyo at seguridad ng mga commuters.

Paliwanag ng senador, dapat aniyang maunawaan ng LTFRB kung bakit pumapatok ang mga TNCs bunga na rin ng mas maayos na serbisyong hatid nito sa pasahero.

Iginiit naman ni Ejercito na wala siyang kinakampihan at kailangan lang aniyang ikunsidera ang lahat ng paraan para lutasin ang problema nang hindi binabalewala kung ano ang nakasaad sa batas.

Planong isagawa ng mambabatas ang naturang pagpupulong bago ang Hulyo 26.

TAGS: Ejercito, Grab, Senate, tns, Uber, Ejercito, Grab, Senate, tns, Uber

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.