11 Patay, 200 sugatan sa sunog sa isang residential complex sa Saudi Arabia

Saudi Interior Ministry General Directorate of Civil Defense via AP
Saudi Interior Ministry General Directorate of Civil Defense via AP

Hindi bababa sa 11 katao ang namatay, habang nasa 200 naman ang sugatan nang masunog ang isang residential complex na tinutuluyan ng mga empleyado ng isang kumpanya ng langis sa Saudi Aramco, Saudi Arabia.

Nagsimula ang sunog sa basement ng gusali sa silangan ng lungsod ng Khobar, ang civil defense ng bansa.

Ilan sa mga nakuhang larawan na na-publish sa website ng kanilang civil defense ay ang pagbuga ng usok mula sa apoy na lumalabas sa mga bintana ng isang gusali.

Pinalilikas naman ng otoridad ang mga residente, habang tumulong narin sa pag apula ng apoy ang isang helicopter.

Ang Saudi Aramco ang pinakamalaking kumpanya ng langis sa buong mundo, sa larangan ng produksyon ng krudo, at pang export.

May humigit kumulang 61,000 ang manggagawa ng nasabing kumpanya, na mula pa sa 77 bansa.

Iniimbestigahan naman ng nasabing kumpanya ang pinagmulan ng sunog.

Read more...