Liderato ng kamara binalaan sa martial law extension sa Mindanao

By Erwin Aguilon July 18, 2017 - 04:21 PM

Inquirer file photo

Pumalag ang Makabayan bloc sa Kamara sa hirit ni Pangulong Rodrigo Duterte na pagpapalawig ng batas militar sa Mindanao hanggang sa katapusan ng taon.

Ayon kay ACT Teachers Rep. Antonio Tinio, hindi dapat maging sunod-sunuran ang kongreso sa Malacañang lalo na sa usapin ng batas militar.

Sinabi ni Tinio na hindi maaring gawin lamang seremonya ang joint session sa Sabado upang tanggapin ang liham ng pangulo para sa martial law extension.

Para naman kay Bayan Muna Rep. Carlos Isagani Zarate, kailangang hindi madaliin ang pag apruba sa martial law extension.

Kailangan anyang pag-aralan itong mabuti ng mga mambabatas upang mabatid kung mayroon talagang batayan ang pagpapalawig nito.

Iginiit din ni Zarate na bago ang special session ay dapat magpaliwanag ang mga security at defense officials ng bansa sa Kamara kung bakit kailangan ng mahabang extension ng martial law.

TAGS: House of Representatives, makabayan bloc. duterte, House of Representatives, makabayan bloc. duterte

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.