Klase sa Cebu City, sinuspinde, matapos makatanggap ng bomb threat ang apat na paaralan
Sinuspinde ang klase sa elementarya at high school sa buong Cebu City bunsod ng magkakasunod na bomb threat na natanggap ng apat na paaralan.
Kabilang sa mga eskwelahang nakatanggap ng pagbabanta Gothong Memorial National School, Zapatera National School, Lahug Elementary School at Mabolo Elementary School.
Ayon kay Cebu City Councilor Dave Tumulak ang mga paaralan ay nakatanggap ng bomb threat sa pamamagitan ng text message.
Maging ang Office of Schools Division ng Cebu City ay nakatanggap din ng pagbabanta sa pamamagitan naman ng tawag sa telepono.
Sinabi ni Tumulak na natukoy na ang ginamit na numero ng taong nagpadala ng pagbabanta at iisang numero ang ginamit sa apat na paaralan.
Agad namang nagtalaga ng bomb squad mula sa Armed Forces of the Philippines at Explosive and Ordnance Division ng PNP para siyasatin ang mga eskwelahan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.