Beam sa ginagawang Skyway project gumuho, 5 ang sugatan at nagdulot ng matinding traffic

By Mark Gene Makalalad July 18, 2017 - 12:56 PM

Kuha ni Mark Makalalad

Gumuho ang beam na ginagamit na biga sa ginagawang Skyway Project 3 sa Osmeña Highway, Makati City.

Dahil sa nasabing insidente, isinara ang magkabilang panig ng Osmeña Highway na nagdulot naman ng matinding perwisyo sa mga motorista na naipit sa traffic.

Limang trabahador din sa nasabing proyekto ang nasugatan sa pagguho ng beam na nakilalang sina Norman Nicolas, Ronald Degamo, Jerwin Deocarisa, JR Balaquidan at Guillermo Santos Jr.

Pawang minor injuries lamang naman umano ang tinamo ng mga trabahador na dinala na sa pagamutan.

Ang lahat ng mga sasakyan na dadaan sa Osmeña Highway lalo na ang mga truck ay sa Roxas Boulevard na lamang pinadaan at kung pa northbound naman ay sa Magallanes pinadaan.

Gayunman, ang mga sasakyan na nasa kahabaan na ng Osmeña Highway malapit sa Buendia nang maganap ang insidente ay naipit na sa walang galawang traffic.

 

 

 

 

TAGS: collapsed beam, osmena highway, Radyo Inquirer, skyway project 3, collapsed beam, osmena highway, Radyo Inquirer, skyway project 3

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.