Ilang bahagi ng Metro Manila at Cavite, mawawalan ng ng suplay ng tubig ngayong araw

Lima hanggang labingapat na oras na mawawalan ng suplay ng tubig ang ilang bahagi ng Metro Manila simula mamayang gabi.

Batay sa abiso ng Maynilad Water Services Inc., ang barangay 167 at 168 sa Caloocan City ay limang oras na mawawalan ng suplay ng tubig mula mamayang 11:00 ng gabi (July 18) hanggang 4:00 ng umaga bukas (July 19).

Habang sa Barangay 12 naman sa Caloocan pa rin, simula 11:00 ng gabi (July 18) hanggang 3:00 ng umaga bukas (July 19) ang naka-schedule na water interruption.

Sa barangay Baesa sa Quezon City, 10:00 ng gabi mamaya (July 18) magsisimula ang interruption at tatagal hanggang 4:00 ng umaga bukas (July 19).

Samantala, dahil sa isasagawang upgrade sa pipe network sa Alabang-Zapote Road, makararanas din ng water interruption mula 6:00 ng gabi mamaya (July 18) hanggang 8:00 ng umaga bukas (July 19) ang mga barangay Molino 1, 3, at 7; Queens Row Central, East at West; at ang San Nicolas 3 sa Bacoor Cavite at ang mga barangay Almanza Uno, Pilar, Talon Uno, Talon Tres, Talon Kuatro at Talon Singko sa Las Piñas City.

Ayon sa Maynilad, maaaring ma-delay pa ang panunumbalik ng water supply sa mga maaapektuhang barangay depende sa elevation ng lugar, layo ng lugar mula sa mga pumping station, o dami ng gumagamit ng tubig.

Pinapayuhan ng Maynilad ang mga apektadong customer na mag-ipon ng sapat na tubig na tatagal sa kasagsagan ng water service interruption.

 

 

 

 

Read more...