Approval ratings ni Pangulong Duterte, pumalo sa 82%
Si Pangulong Rodrigo Duterte pa rin ang pinagkakatiwalaan ng karamihan ng mga Pilipino at aprubado ng publiko ang deklarasyon nito ng martial law batay sa bagong Pulse Asia survey.
Sa June survey ng Pulse Asia, nasa 82 percent ang approval rating ni Duterte habang 81 percent ang trust rating nito.
Mas mataas ito ng apat na porsyento mula sa kanyang March rating na 78 percent.
Bumaba naman ang disapproval rating ng pangulo na 5 percent ng dalawang puntos. Limang puntos naman ang itinaas ng 81 percent na trust rating ng pangulo mula sa March rating nito na 76 percent.
Ginawa ang survey isang buwan matapos ideklara ng pangulo ang batas militar sa Mindanao dahil sa gulo sa Marawi city.
Samantala, nakakuha rin ng majority approval scores sina Vice President Leni Robredo at Senate President Koko Pimentel. Nagtala si Robredo ng 61 percent habang si Pimentel ay 62 percent.
Pero ang ratings nina House Speaker Pantaleon Alvarez at Chief Justice Ma. Lourdes Sereno ay parehong bumaba sa 50-percent mark.
Bukod sa Marawi crisis, ginawa ang survey noong inaprubahan ng KAMARA ang tax reform package ng gobyerno at kung kailan may word war sa pagitan ng House of Representatives at Judicial Branch dahil sa kaso ng tinaguriang Ilocos 6.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.