60 miyembro pa ng Maute, nakikipagbakbakan pa rin sa Marawi

 

Hindi bababa sa 60 miyembro pa ng Maute Group ang nakakalaban pa rin ng mga tropa ng pamahalaan sa pagpapatuloy ng kanilang opensiba sa Marawi City.

Ayon kay Lt. Col. Jo-ar Herrera, tuluy-tuloy pa rin ang pambobomba at pagpapaputok nila sa mga natitira pang lugar na pinakukublian ng mga terorista.

Ani pa Herrera, pagsapit kahapon, araw ng Lunes, nasa mahigit 500 gusaling kinubkob ng Maute Group at Abu Sayyaf ang na-clear na ng mga sundalo.

Mas lumalawak na aniya ang teritoryong nababawi ng pamahalaan, at lalo pang lumiliit ang mundo ng mga terorista.

Ayon naman kay Col. Edgard Arevalo, anim na miyembro ng Maute at Abu Sayyaf Group ang napatay ng mga sundalo noong Linggo, habang dalawa naman ang nasawi sa panig ng gobyerno.

Samantala, nasa 511 na armas naman na ang narekober ng mga sundalo mula sa mga kalaban.

Read more...