Desisyon ng DOJ sa kaso nina Supt. Marcos, dapat nilang panindigan-Pimentel

 

Inaasahan ni Senate President Koko Pimentel na kayang depensahan ng Department of Justice (DOJ) ang naging desisyon at paghawak nito sa kaso ni Supt. Marvin Marcos at kaniyang mga tauhan kaugnay ng pagpatay kay dating Albuera Mayor Rolando Espinosa.

Bukod aniya sa DOJ, dapat ay handa rin aniya ang liderato ng Philippine National Police (PNP) na ipaliwanag ang kanilang mga polisiya tungkol sa pagdidisiplina at pag-trato sa mga pulis na nahaharap sa mga seryosong kasong kriminal.

Ayon kay Pimentel, lumabas na sa imbestigasyon ng Senado na murder ang nangyari sa kaso ni Espinosa.

Gayunman, kinikilala naman ni Pimentel na ang prosekusyon ng mga krimen ay responsibilidad na ng ehekutibong sangay ng gobyerno.

Kaya naman aniya, kung nakita ng DOJ na homicide ang nangyari at hindi murder, dapat ay maipaliwanag nila ang naturang desisyon sa anumang forum, kabilang na ang posibleng pagdinig na ipatatawag ng Senado tungkol sa isyung ito.

Read more...