Conflict of interest sa paggamit ni Trump ng law firm sa Pilipinas, inilutang

By Inquirer.net, Jay Dones July 18, 2017 - 04:29 AM

 

Kinukuwestyon ng isang grupo sa Washington DC ang paggamit umano ni US President Donald Trump at anak nitong si Ivanka ng isang law firm mula sa Pilipinas na pinangungunahan ng opisyal ng Philippine National Construction Corporation (PNCC) sa kanilang business empire.

Sa artikulo mula sa ‘The Guardian’ ng United Kingdom, sinisilip ng grupong Citizens for Responsibility and Ethics ang posibilidad ng conflict of interest sa panig nina Trump at ang pagtatrabaho ni Elpidio C. Jamora Jr., bilang abogado ng mga ito.

Si Jamora ay isa sa mga partner ng law firm na nakabase dito sa Pilipinas at kumakatawan sa Trump Organization at sa personal brand ni Ivanka Trump.

Ito ay sa kabila ng katotohanang si Jamora ay kasalukuyang chairman ng Philippine National Construction Corporation (PNCC) na pinatatakbo ng gobyerno.

Ayon sa artikulo, posibleng maharap sa kaso si Trump dahil sa pagtanggap nito ng serbisyo ng isang foreign official para magtrabaho sa kanyang pribadong negosyo.

Taong 2007 pa nang kunin ni Trump ang serbisyo ng law firm ni Jamora, ayon sa ‘The Guardian.’

Diumano, ang law firm rin ni Jamora ang kumatawan kay Ivanka nang mag-apply ito ng trademark para sa kanyang fashion line sa Pilipinas nang maupo sa puwesto ang kanyang ama.

Paliwanag ni Jordan Libowits na kumakatawan sa grupo, kung ginagamit ng kampo nina Trump ang kanilang koneksyon sa gobyerno ng Pilipinas upang makakuha ng registration, ay posibleng ituring ito bilang conflict of interest.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.