Sinkholes naglitawan sa Kabankalan City matapos ang lindol
Binabantayan na ngayon ng lokal na pamahalaan ng Kabankalan City sa Negros Occidental ang sinkhole na biglang sumulpot sa naturang lugar.
Ayon sa Kabankalan City Disaster Risk Reduction and Management Office, may lalim na ngayon na 13 talampakan at lapad na halos 15 talampakan ang pinakamalaking sinkhole na natagpuan sa lugar.
Biglang naglitawan ang mga sinkhole nang yanigin ng magnitude 3.4 na lindol ang bayan ng Mabinay noong Linggo ng hapon.
Ang nasabing sinkhole ay nakita sa sa tabi ng kalsada sa isang bahagi ng tubuhan sa Barangay Tagucon sa Kabankalan City.
Gayunman, ilang mga residente ang nagsabi na marami pang ibang mga sinkholes ang nagsulputan, kaya ipasisiyasat na ng CDRRMO ito sa Mines and Geosciences Bureau (MGB).
Pinapayuhan naman ng lokal na pamahalaan ang mga residente na iwasan ang pagdaan o paglapit sa mga sinkholes upang maiwasan ang disgrasya.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.