Mga kaso laban kay Aquino tungkol sa Mamasapano incident, papalya – Duterte

By Kabie Aenlle July 18, 2017 - 04:31 AM

 

Naniniwala si Pangulong Rodrigo Duterte na papalpak lang ang mga kasong isinampa laban kay dating Pangulong Benigno Aquino III kaugnay ng nabulilyasong operasyon ng Special Action Forces (SAF) sa Mamasapano.

Ito ang naging reaksyon ng pangulo tungkol sa pagsasampa ng Ombudsman ng kasong usurpation of authority at graft laban kay Aquino dahil sa naging partisipasyon niya sa naturang operasyon.

Ani Duterte, isa itong “silly charge” na nakatakdang pumalya, kasunod ng pagsasabing “bulok” ang naging desisyon tungkol dito.

Sa opinyon ni Duterte, hindi niya aniya masasabing may usurpation of authority na naganap dahil bilang pangulo, may kapangyarihan si Aquino na tawagan ang sinuman para tulungan siya sa isang criminal operation.

“Hindi mo masabi na usurpation of authority because lahat ng sinabi nila ay merged in the president. He can call anybody to help him to fight a criminal operation there,” ani Duterte”

Dagdag pa niya, wala namang karanasan sa militar si Aquino kaya normal na hihingi siya ng payo mula sa mga propesyunal, tulad na lamang ng noo’y suspended na si dating Philippine National Police (PNP) chief Alan Purisima.

Paliwanag pa ni Duterte, walang makakapigil sa pangulo kung magdesisyon itong humingi ng payo sa ibang tao at wala siyang nakikitang mali tungkol dito.

Hindi rin aniya dapat kasuhan si Aquino dahil sa pagkabigo ng nasabing operasyon, dahil kasama naman talaga sa realidad ng mga operasyon ang mga pagkakamali.

Gayunman, sinabi rin ni Duterte na may pagkukulang din sa bahagi ni Aquino dahil walang dumating na assistance at reinforcements.

“The shortcoming is the burden of Aquino. May shortcoming dun. There was no assistance, reinforcements, air assets, the canons which reach [the area],” paliwanag ng pangulo.

Pero ani Duterte, kung siya man ang nasa posisyong iyon, hindi siya maguutos ng operasyon sa isang lugar kung saan tiyak na may masasawing mga sibilyan.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.