Senado nagbabalang gigisahin si Aguirre dahil sa Supt. Marcos reinstatement

 

Nagbabala si Senate President Koko Pimentel na posibleng gisahin sa senado sa budget hearing ang Department of Justice partikular na si Justice Secretary Vitaliano Aguirre.

Ito ay bunsod na rin umano ng reinstatement sa serbisyo si Supt. Marvin Marcos at ilang tauhan nito na nakasuhan sa pagkakapaslang kay Albuera, Leyte Mayor Rolando Espinosa.

Ayon kay Pimentel, malinaw na murder ang kaso base na rin sa ginawang imbestigasyon ng Senado.

Paliwanag ni Pimentel, responsibilidad ito ng prosecutors o DOJ kung bakit ibinaba ang kasong murder sa homicide laban kina Marcos at tauhan nito sa CIDG Region 8.

Giit ni Pimentel, dapat na magpaliwanag ng mabuti ang DOJ sa budget hearing sa Senado kung ano ang naging basehan nito sa the pagbaba ng kaso sa homicide sa kabila ng pag-amin ni DOJ Secretary Vitaliano Aguirre sa isinagawang pagdinig sa senado noon na murder ang ginawang pagpaslang kay Mayor Espinosa.

Read more...