Kongreso magsasagawa ng special session para talakayin ang panukalang martial law extension

By Mariel Cruz July 17, 2017 - 11:35 PM

 

Nakatakdang i-convene ng Kongreso sa isang special session ang planong pagpapalawig sa idineklarang Martial Law ni Pangulong Rodrigo Duterte sa buong Mindanao.

Sa advisory ni Majority Leader Rodolfo Fariñas, nakasaad na magsasagawa ng isang special session ang Kongreso sa darating na Sabado, July 22, para talakayin ang Martial Law extension.

Hindi naman binanggit ni Fariñas kung gaano katagal ang nais ni Pangulong Duterte na palawigin ang Batas Militar o kung magpapatuloy pa rin na buong Mindanao ang sakop nito.

Una nang sinabi ni Deputy Speaker Fredenil Castro na maraming mambabatas na handang magbigay ng suporta sa Martial Law extension, kung ang basehan para sa proklamasyon ay mananatili.

Sinabi din ni Deputy Speaker Gwendolyn Garcia na buo ang kanilang suporta sa desisyon ng pangulo.

Sa July 22 ay mawawalan na ng bisa ang Martial Law sa Mindanao.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.