Pangulong Aquino, pangungunahan ang pagdiriwang ng National Heroes’ Day

By Stanley Gajete August 31, 2015 - 04:41 AM

pnoy-aquinoPangungunahan ni Pangulong Noynoy Aquino ang seremonya ng pag-alala sa mga bayani, bilang pagdiriwang ng National Heroes’ Day, na isasagawa sa Fort Bonifacio, Taguig City, ngayong araw, August 31.

Mag-aalay ng bulaklak ang Pangulo bilang paggunita sa mga kabayanihang ginawa ng mga Pilipinong nagsakripisyo para sa bayan.

Dadalo sina Defense Secretary Voltaire Gazmin, Armed Forces of the Philippines chief of staff Gen. Hernando Irriberi, Taguig Mayor Lani Cayetano, Rep. Lino Cayetano at Ma. Serena Diokno of the National Historical Commission.

Darating din ang ilang mga sundalo, na makikiisa sa taunang pagdiriwang sa Libingan ng mga Bayani sa Fort Bonifacio, kung saan mag aalay din ng bulaklak si Pangulong Aquino sa “Tomb of the Unknown Soldier.”

Sa presscon naman, sinabi ni Press Secretary Herminio Coloma Jr., na marapat na bigyang pugay ang mga bayani na nagbuwis ng kanilang buhay upang ipaglaban, itaguyod, at itanghal ang ating kasarinlan na siyang naging pundasyon ng ating tinatamasang pag-unlad.

Ngayong taon, ang tema ng pagdiriwang ay “Bayaning Pilipino Noon at Ngayon: Ang Simula at Tagapagpatuloy ng Malawakang Pagbabago.”

Magkakaroon naman ng 21-gun salute bilang pagpupugay, sa hudyat ng pagdating ni Pangulong Aquino.

TAGS: national heroes day, pangulong aquino, national heroes day, pangulong aquino

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.