Palasyo, itinanggi ang panibagong rape joke ni Duterte
Dinepensahan ng Malacañang si Pangulong Rodrigo Duterte matapos umani ng mga negatibong komento ukol sa panibagong rape joke.
Noong nakaraang Biyernes, pinalagan ng iba’t ibang grupo ang pahayag ni Duterte kung saan sinabi nito na pupurihin niya ang sinuman na manggagahasa sa isang Miss Universe kahit pa maging dahilan ito ng kanilang pagkamatay.
Ayon kay Presidential Spokesperson Ernesto Abella, dapat ay hindi tignan ng publiko bilang negatibo ang naging pahayag ng pangulo ukol sa rape.
Hindi aniya biro ang sinabi ng pangulo, kundi isang seryosong pahayag.
Paliwanag ni Abella, tila ang kahulugan lamang ng pahayag ni Duterte ay bibilib siya sa sinuman gagawa nito kahit alam nilang mamamatay sila dahil dito.
Matatandaang noong nakaraang buwan ng Mayo, umani din ng iba’t ibang reaksyon ang pahayag ng pangulo na ipagtatanggol niya ang mga sundalo kung manggagahasa ng babae.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.