Jinggoy Estrada, humiling ng 2-day medical furlough sa Sandiganbayan

By Mariel Cruz July 17, 2017 - 04:54 PM

FILE PHOTO/LYN RILLON

Humiling si dating Sen. Jinggoy Estrada sa Sandiganbayan ng medical furlough para sumailalim sa videocolonoscopy.

Si Estrada ay kasalukuyang nakadetine sa custodial center sa Camp Crame matapos makasuhan ng plunder na may kinalaman sa pork barrel scam.

Ayon kay Estrada, inabisuhan siya ng kanyang doctor na kailangan niyang sumailalim sa videocolonoscopy dahil sa nakitang elevated blood tests.

Ang videocolonoscopy ay isang medical procedure kunh saan gagamit ng isang camera na ipapasok sa anus ng isang tao para masuri ang kanyang colon, rectum, at small intestine.

Sa kanyang apat na pahinang mosyon na inihain sa Sandiganbayan Fifth Division, humiling ng dalawang araw na furlough si Estrada para sumailalim sa naturang medical procedure sa Cardinal Santos Medical Center sa San Juan City.

Binanggit din ng dating mambabatas sa kanyang mosyon na tatagal lamang ng tatlumpung minuto hanggang isang oras ang nasabing procedure, pero ang preparasyon aniya dito ay aabutin ng isang araw.

Sakaling pagbigyan ng korte, sinabi ni Estrada na handa siyang bayaran ang lahat ng gagastusin sa furlough, at sasamahan siya ng mga tauhan ng Philippine National Police (PNP) Custodial Center.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.