WATCH: Phaseout sa mga lumang truck, tinutulan ng grupo ng truckers

Kuha ni Ricky Brozas

Kasabay nang ikinasang transport caravan ng mga pampasaherong jeepney, nagdaos naman ng port holiday ang asosasyon ng mga trucker sa Metro Manila.

Maging sila ay umaalma rin sa mungkahing phase-out ng mga trak na 15 taon pataas na ang tanda.

Katwiran ni Mary Zapanta ng Aduana Business Club, lugi ang magiging kahihinatnan ng mga involved sa trucking business kapag naisakatuparan ang nilagdaang Department Order ni Transportation Secretary Arthur Tugade.

Narito ang report ni Ricky Brozas:

Read more...