Low Pressure Area na nasa silangang bahagi ng Luzon, palalakasin ng habagat
Mahina hanggang sa katamtamang ulan ang mararanasan sa Luzon ngayong araw ng Lunes, Agosto 31, dahil sa Low Pressure Area na nasa silangang bahagi ng bansa, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).
Namataan ang LPA sa layong 150 kilometro sa Hilagang Silangan ng Daet, Camarines Norte.
Bagaman hindi naman inaasahang magiging bagyo ang LPA, kinumpirma naman ng PAGASA na magdadala parin ito ng maulap na panahon, na may kasamang pag ulan, pagkulog, at pagkidlat, na makakaapekto sa Luzon.
Samantala, kaunti, hanggang sa maulap na kalangitan na may kalat kalat na pag ulan, pagkulog, at pagkidlat ang mararanasan sa natitirang bahagi ng bansa.
May mahina, hanggang sa malakas na hangin mula sa Hilagang Silangan, pakanluran ang tatama sa Luzon, at mula sa timog, hanggang timog kanlurang bahagi ng bansa.
Sinabi din ng PAG ASA na mahina hanggang sa katamtamang lakas ng alon naman ang kondisyon ng mga karagatan sa buong archipelago.
Pinayuhan din ng PAGASA na makakaranas ng pag ulan hanggang Biyernes dahil palalakasin ng LPA ang southwest monsoon o habagat sa mga maaapketuhang lugar.
Habang ang Visayas, at Zamboanga peninsula naman ay may maulap na kalangitan hanggang sa katamtamang ulan, na may pagkulog, at pagkidlat.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.