PNP inirekomenda na kay Pangulong Duterte na palawigin ang martial law sa Mindanao

Kuha ni Ruel Perez

Nakapagsumite na rin ang Philippine National Police (PNP) ng rekomendasyon kay Pangulong Rodrigo Duterte sa pagpapalawig ng martial law sa Mindanao.

Ayon kay PNP chief, Ronald Dela Rosa, naisumite na ng PNP ang position paper noong Biyernes.

Sa nasabing position paper, nanindigan aniya ang PNP na kinakailangang palawigin pa ang marial law sa Mindanao.

Gayunman, hindi aniya siya naglahad ng partikular nah aba o petsa ng gagawing extension ng batas militar.

Sinabi ni Dela Rosa na kinakailangang manatili ang martial law sa rehiyon lalo pa at hindi pa nahuhuli ang ibang supporters ng Maute terror group.

Kabilang dito ang ilang tukoy na ‘narcopoliticians’ na pinaniniwalaang sumusuporta sa grupo.

Idinahilan din ni Dela Rosa sa panukalang martial law extension ang aniya ay malaking bilang ng loose firearms na naglipana sa Mindanao, partikular na sa Marawi City at sa iba pang bahagi ng Lanao del Sur.

Ang Department of National Defense ay nauna na ring nagsumite ng kanilang rekomendasyon noong July 13.

 

 

 

 

Read more...