Sunog sumiklab sa SM North EDSA

By Jay Dones July 17, 2017 - 04:27 AM

Mark Jason Cayabyab/Inquirer

Sumiklab ang sunog  sa SM City North EDSA, sa Quezon City ngayong gabi.

Ayon sa mga otoridad, kanilang tinanggap ang ulat ng sunog pasado alas-8:00 ng gabi nang sumiklab ang apoy sa ikaapat na palapag ng SM North EDSA department store.

Agad na itinaas sa ikatlong alarma ang sunog dakong alas 8:48 ng gabi.

Sa kasalukuyan, nagpapatuloy ang pag-aapula ng sunog ng mga bumbero sa naturang lugar.

Samantala, ayon sa statement mula sa statement ng SM North EDSA, nagmula ang apoy sa warehouse ng department store.

Agad namang nakaresponde ang mga tauhan ng SM emergency response na siyang naunang nag-apula sa sunog.

Normal pa rin naman ang operasyon ng SM North EDSA at nagsasagawa na lamang ng maintenance at clearing operations sa lugar na pinagmulan ng sunog, ayon pa sa statement ng management.

Samantala, dakong alas-10:37 nang ideklarang fire out ang sunog.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.