Rehabilitasyon ng buong probinsya sa Lanao del Sur inihihirit sa national gov’t

 

Hindi lang ang Marawi City dapat isasailalim sa rehabilitasyon kung hindi maging ang buong Lanao del Sur.

Ito ay bunsod na rin ng nagaganap na giyera sa Marawi sa pagitan ng teroristang Maute group at tropa ng militar.

Paliwanag ni Assemblyman Zia Alonto Adiong, tagapagsalita ng Lanao del Sur Provincial Disaster Management Committee, ito ay para ma-decongest ang Marawi.

Hindi lang aniya ang mga nasirang bahay at iba pang ari-arian ang isasailalim sa rehabilitasyon kundi maging ang suplay ng tubig at kuryente.

Ayon kay Adiong, hindi kasi makauusad ang negosyo kung walang suplay ng tubig at kuryente.

Dapat din aniyang magkakaroon ng road widening at road linkages sa mga kalapit na bayan.

Mahalaga aniya na magkaroon ng maayos ng urban rehabilitation para masiguro na maganda ang pagbangon ng Marawi.

Read more...