Palasyo, nagbabalang delikado pang bumalik ang mga residente sa Marawi City

Humingi ng pang-unawa ang Palasyo ng Malakanyang sa mga inilikas na residente sa Marawi City, Lanao del Sur.

Ayon kay presidential spokesman Ernesto Abella, hindi pa aprubado ang militar na bumalik ang mga residente sa lungsod dahil sa nagpapatuloy na bakbakan sa pagitan ng tropa ng gobyerno at Maute group.

Paliwanag nito, nais ng gobyerno na masiguro ang kaligtasan ng mga sibilyan habang pinapabagsak ang mga nalalabing terorista sa lungsod.

Wala rin aniyang kasiguraduhan na ligtas nang tirhan ang labas ng war zone batay sa mga napapaulat na tinatamaan ng ligaw na bala.

Giit pa ni Abella, mas makabubuti kung hintayin ang pagtatapos ng gulo at clearing operations upang tiyak na ligtas ang lahat sa kapahamakan.

Read more...