Mga kaalyado ni dating Pang. Aquino, tiwalang malulusutan ang kaso laban sa kanya
Naniniwala ang ilang kaalyado ni dating Pangulong Noynoy Aquino na kaya nitong lusutan ang kaniyang sarili laban sa mga isinampang kasong usurpation of authority at graft ng Ombudsman.
Ito ang kanilang tugon sa sinabi ni Atty. Ferdinand Topacio na walang kwenta at masyadong malamya ang kasong isinampa kay Aquino na may kaugnayan pa rin sa nabulilyasong operasyon na ikinasawi ng 44 na police commandos noong Enero 2015.
Ayon kay Sen. Antonio Trillanes, hindi magandang gawing basehan ang nangyari sa Mamasapano dahil ang dapat umanong habulin ng Ombudsman ay ang pumatay sa mga SAF mismo.
Ganito rin ang pahayag ni Magdalo Rep. Gary Alejano. Anya, gasgas na ang isyu ng Mamasapano at wala rin daw itong pupuntahan.
Wala naman daw kasing naganap na usurpation of authority na kung pagbabatayan umano ang sa reklamo ay inakusahan si Aquino ng pagkukulang bilang lider dahil hindi nasunod ang “chain of command” dahil pinayagan nyang makibahagi si Purisima sa operasyon kahit suspendido ito sa serbisyo.
Bukod kay Aquino, kasamang pinakakasuhan sina dating Philippine National Police chief Alan Purisima at dating Special Action Force Director Getulio Napeñas.
Ang kaso ay mula sa pinagsama-samang reklamo na inihain ng mga naulila ng SAF 44 at Volunteers Against Crime and Corruption matapos mawala sa puwesto si Aquino noong 2016.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.