Petisyon para sa bawas pasahe sa mga taxi, didinggin sa Sept 21
Kinalampag ni Negros Oriental Rep. Manuel Iway ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board o LTFRB na i-calibrate na ang metro ng lahat ng mga taxi sa Kalakhang Maynila.
Sa panayam ng Radyo Inquirer, sinabi ni Iway na dapat nang ma-calibrate na ang mga taxi meter dahil pinagmumulan ito ng away sa pagitan ng mga drayber at pasahero.
Paliwanag ni Iway, bagaman may pinaiiral na 10 peso-discount sa mga taxi, kadalasan ay hindi ito nasusunod.
Inihalimbawa ng Kongresista ang kaso ng ilang taxi drivesr na tinatanggal ang sticker o poster ukol sa 10 peso-discount dahil baka sakaling makalusot.
Pero dahil alam ng mga pasahero, iginiit ng mga ito ang discount pero tumatanggi ang ilang mga tsuper ng taxi.
Bunsod nito, sinabi ni Iway na kailangan na talagang mai-calibrate ng LTFRB ang mga taxi meter para maitama ang flag down rate.
“Gusto natin sa taxi, hindi yung ilalagay mo lang sa sasakyan ang poster ang less than 10 pesos. Dapat i-calibrate ang metro, maraming nag-aaway dyan eh na pasahero at drayber!” ani Iway.
Pinasasabay na rin ng Mambabatas ang approval sa kanyang petisyon na ibaba na sa P2.50 mula sa P3.50 ang singil sa kada succeeding 300 meters sa metro ng mga taxi.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.