3 katao, patay sa engkwentro sa isang townhouse sa QC

By Mark Makalalad July 16, 2017 - 11:06 AM

Tatlo katao, kabilang na ang umanoy ‘drug lord’ ng Isabela na si Johnny De Leon ang patay sa engkwetro sa isang Townhouse sa #15 Road 1 Barangay. Bagong Pag-asa Quezon City.

Ihahain sana ng mga otoridad ang search warrant dahil sa pagkukustodiya ng mga baril sa isang bahay subalit agad na nanlaban ang mga suspek.

Nabatid na target ng operasyon ang kinilalang si Johnny De Leon na itinuturing high value target ng Santiago City, Isabela.

Itinuturing din ang mga suspek na nagtutulak ng ilegal na droga sa bansa.

TAGS: isabela, Johnny De Leon, Santiago City, isabela, Johnny De Leon, Santiago City

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.