Mga sugatang sundalo sa Patikul clash, pinarangalan ni Pang. Duterte

By Ricky Brozas July 16, 2017 - 11:00 AM

Binigyan ng pagkilala ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga sundalo na nasugatan sa pagkikipag-bakbakan sa mga miyembro ng Abu Sayyaf Group sa Sulu.

Naganap ang parangal sa mga kawal nang magtungo ang pangulo sa Camp Bautista sa Jolo kung saan dinalaw niya ang mga sundalo na sumagupa sa ASG sa bayan ng Patikul kamakailan.

Hindi naman natuloy ang dapat sana ay talumpati ng presidente dahil sa sama ng panahon.

Kasama ng pangulo sa pagbisita sa Camp Bautista sina Defense Secretary Delfin Lorenzana at AFP Chief of Staff Gen. Eduardo Año.

TAGS: abu sayyaf group, Pang. Duterte, Patikul, Sulu, abu sayyaf group, Pang. Duterte, Patikul, Sulu

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.