Pang. Duterte, posibleng maglabas ng desisyon sa Martial Law extension bago July 22 – AFP spokesman

By Angellic Jordan July 16, 2017 - 08:55 AM

Posibleng mag-anunsiyo si Pangulong Rodrigo Duterte ng ekstensyon ng batas militar sa Mindanao bago ang pagtatapos ng implementasyon nito sa July 22, 2017.

Ayon kay Armed Forces of the Philippines spokesman Brig. Gen. Resituto Padilla, tiyak na maglalabas ng desisyon ang Punong Ehekutibo kung aaprubahan ang ipinasang rekomendasyon bago ang nasabing petsa, dalawang araw bago ang State of the Nation Address (SONA) nito.

Samantala, nagiging malapit na aniya ang bakbakan sa pagitan ng tropa ng militar at mga Maute group.

Patuloy rin aniya ang pagkubkob ng pwersa ng gobyerno sa mga nalalabing lugar na sakop ng mga militante sa lungsod.

Kumpiyansa rin aniya ang AFP na matutupad ang 15-day assessment ng pangulo sa pagtatapos ng kaguluhan sa Marawi City.

Sa tala ng AFP, mahigit-kumulang 80 pa ang natitirang miyembro ng Maute group sa lungsod habang 300 sibilyan naman ang ipit pa rin o hawak ng mga terorista.

TAGS: Gen. Restituto Padilla, marawi, Martial Law extension, Pang. Duterte, Gen. Restituto Padilla, marawi, Martial Law extension, Pang. Duterte

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.