Mga oil companies magpapatupad ng rollback sa Martes
Makaraan ang dalawang magkasunod na oil price hike sa nakalipas na mga linggo ay magpapatupad sa Martes, July 17 ang mga kumpanya ng langis ng rollback sa mga produktong petrolyo.
Kasunod ito ng pagbabagsak ng presyo ng krudo sa international market.
Sinabi ng ilang source sa oil industry sector na aabot sa P0.60 ang bawas sa bawat litro ng diesel, P0.25 sa kada litro ng gasolina at P0.60 naman per liter sa kerosene o gaas.
Inaasahang sa Lunes ay maglalabas ng pormal na advisory ang mga kumpanya ng langis dahil sa lingguhang pagpapalit sa presyo ng kanilang mga produkto.
Karaniwang ipinatutupad ang bagong presyo sa produktong petro tuwing Martes ng umaga. / Den
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.