VACC: Kaso ng Ombudsman vs. Aquino sa basurahan pupulutin

INQUIRER PHOTO/RAFFY LERMA

Kinundena ng Volunteers Against Crime and Corruption ang naging rekomendasyon ni Ombudsman Conchita Carpio Morales sa kasong isinampa nito laban kay dating pangulong Benigno Aquino III kaugnay sa pagkasawi ng 44 police commandos sa Mamasapano, Maguindanao noong 2015.

Inirekomenda ng Ombudsman na i-downgrade ang kasong inihain laban sa dating pangulo.

Iginiit ni VACC founding chairman Dante Jimenez na hindi lamang simpleng kasong administratibo o minor criminal offense ang isinampa nila kundi kasong kriminal.

Inihain ng grupo ang kasong multiple homicide laban kay Aquino kaugnay ng insidente sa Mamasapano.

Ipinag-utos naman ng Ombudsman na sampahan ng kasong graft at usupration of authorities si Aquino.

Ikinatatakot ng VACC na baka ibasura lamang ng Sandiganbayan dahil sa posibleng butas na makita sa pag-downgrade ni Morales sa reklamo.

Noong January 2015, nasawi sa operasyon sa Mamasapano ang 44 pulis ng Special Action Forces sa operasyon laban sa mga teroristang sina Zulkifli bin Hir alyas Marwan at Abdul Basir Usman.

Read more...