Nakatakdang makipagpulong ang Nationalist People’s Coalition o NPC sa iba pang presidential candidate gaya nina Vice President Jejomar Binay, Interior Secretary Mar Roxas at Mayor Rodrigo Duterte ng Davao City.
Ayon kay Quezon Representative at NPC spokesman Mark Enverga, nais ng partido na makilala ang iba pang kandidato na sasabak sa pampanguluhang halalan.
Una rito, nakipagpulong ang NPC kina senators Grace Poe at Chiz Escudero na napapabalitang tatakbo sa mas mataas na posisyon.
Tiniyak pa ni Enverga na susuportahan ng NPC ang ‘best candidate’.
Paliwanag ni Enverga, nais ng mga miyembro ng NPC na malaman ang mga plataporma at programa ng mga kandidato.
MOST READ
LATEST STORIES