Bilang ng mga nasawi sa Marawi siege, umabot na sa 537
Kasabay ng pagpasok ng bakbakan sa Marawi City sa ikalimampu’t tatlong araw ay ang patuloy na paglobo ng bilang ng mga namamatay sa panig man ng terorista o pamahalaan.
Batay sa datos na ibinahagi ni Armed Forces of the Philippines Spokesperson Brig. Gen. Restituto Padilla sa Radyo Inquirer, umabot na sa 537 ang nasawi.
Siyamnapu’t tatlo dito ay mula sa hanay ng pamahalaan samantalang 399 ang nasawi mula sa panig ng mga terorista.
Dagdag pa niya, pumalo na rin sa 45 sibilyan ang napatay sa walang tigil na bakbakan.
Samantala, mayroon na ring 502 na mga baril ang nakumpiska at narekober mula sa mga bandido.
Sa 600 na bahay at buildings na kailangang inspeksyunin ng militar ay umaabot na sa labinglima sa mga ito ang nasailalim sa clearing operations.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.