Baligtad na presidential seal di dapat gawing isyu ayon Malacañang

Grab from PTV

Nilinaw ng Malacañang na hindi layunin ng baligtad na presidential seal sa isang event sa Davao City na pahiyain si Pangulong Rodrgio Duterte.

Ayon kay Presidential Spokesperson Ernesto Abella, nagkaroon lamang ng pagkakamali sa paglagay ng presidential seal sa podium ng pangulo.

Sinabi ng opisyal na humingi na ng paumanhin ang mga tauhan sa mga tanggapan na nasa likod ng nasabing event at nangakong pagbuubutihin pa ang serbisyo at pagsuporta sa Pangulo sa lahat ng kanyang aktibidad.

Dagdag pa ni Abella, pagpapaliwanagin kung sino man ang may pagkakamali sa paglalagay ng nasabing presidential seal.

Kagabi, pinuna ng publiko ang baligtad na presidential seal sa podium kung saan nagtalumpati si Duterte sa 11th Ambassadors’ Tour bhilippine Reception sa Davao City.

Kaagad na umani ng iba’t ibang mga rekasyon sa social media ang nasabing pangyayari.

Read more...