Grupo ni Supt. Marcos inirekomenda ng PNP-IAS na parusahan
Inirekomenda ng PNP Internal Affairs Service na patawan ng apat na buwang suspension si Supt. Marvin Marcos, ang dating hepe ng CIDG Region 8 at umano’y responsable sa pagpatay kay Albuera, Leyte Mayor Rolando Espinosa at bilanggo na si Raul Yap sa loob ng Baybay Subprovicial Jail.
Ayon kay IAS Inspector General Atty. Alfegar Triambulo, command responsbility ang naging pananagutan ni Marcos dahil hindi bahagi ng operating team ang opisyal kundi nag-supervised lamang sa palpak na operasyon.
Samantala inirekomenda naman ng IAS na i-demote o ibaba ng isang ranggo ang siyam na kasamahang pulis ni Marcos.
Ito ay dahil napatunayang sila ay guilty sa grave misconduct sa pagpatay kay Espinosa at Yap.
Kinilala ang mga na-demote na sina Supt. Santi Noel Matira, Chief Inspector Leo Laraga, Senior Inspector Fritz Blanco, Senior Inspector Deogracias Diaz III, SPO4 Melvin Cayobit, SPO4 Juanito Duarte, SPO2 Benjamin Dacallos ,PO3 Norman Abellanosa at PO3 Johnny Ibanez.
Habang nahaharap naman sa anim na buwan na suspension ang tatlong iba pang mga dating CIDG Region 8 personnel na sina PO1 Bernard Orpilla, PO1 Jerian Cabiyaan at PO1 Lloyd Ortiguesa.
Ang pitong iba naman ay pinawalang sala o dinismiss ang kasong administratibo dahil sa kawalan ng sapat na ebidensya o walang direktang partisipasyon sa pagpatay kina Espinosa at Yap.
Kinilala ang mga itong sina SPO2 Alphinor Serrano Jr ng CIDG region 8, Chief Inspector Calixto Canillas Jr, Senior Inspector Lucrecito Candilosas , SPO2 Antonio Docil, SPO1 Mark Christian Cadilo, PO2 John Ruel Dacolan at PO2 Jaime Bacsal mga tauhan ng PNP Regional Maritime Unit 8.
Sa ngayon, nakapaghain na ng motion for reconsideration sa PNP Directorate for Personnel Resource Management ang grupo ni Supt. Marcos.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.