Kaso ng Ombudsman vs. Aquino tinawag na insulto sa SAF 44

By Den Macaranas July 15, 2017 - 10:49 AM

Inquirer file photo

Walang kwenta at masyadong malamya ang kasong isinampa kay dating Pangulong Noynoy Aquino kaugnay sa naging bahagio nito sa naganap na Mamasapano massacre na ikinamatay ng 44 Special Action Force members.

Iyan ang ginawang pagsasalarawan ni Atty. Ferdinand Topacio, isa sa mg abogado ng mga kaanak ng tinaguring SAF 44.

Sinabi ni Topacio na kukwestiyunin nila kung bakit graft ang inirekomendang kasong isampa ng Office of the Ombudsman gayung reckless imprudence resulting to homicide ang inihain nilang kaso laban kay dating Pangulong Aquino.

Para lamang umano sa nagnakaw ng ballpen ang nasabing kaso at hindi binigyang-halaga ng Ombudsman ang buhay ng mga napatay na miyembro ng elite force ng PNP.

Imbes na matuwa, sinabi ni Topacio na lalong nagpagalit sa mga kaanak ng SAF 44 ang nasaging desisyon ng Ombudsman na halatang may “ulterior motive” sa kaso.

Kaugnay nito, sinabi ni Topacio na maghahain sila ng motion for recommendation bilang pagpapakita ng pagtutol sa rekomendasyon ng Ombudsman.

Sa panig naman ni Aquino, sinabi ng tagapagsalita nito na si Atty. Abigail Valte na pinag-aaralan na nila ang kanilang magiging sunod na hakbang kaugnay sa kasong isinampa ng Ombudsman laban sa dating lider ng bansa.

TAGS: Aquino, duterte, mamasapano, Ombudman, saf 44, Topacio, Aquino, duterte, mamasapano, Ombudman, saf 44, Topacio

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.