Pinsala ng lindol sa sektor ng agrikultura sa Ormoc City pumalo na sa P135-M

By Den Macaranas July 15, 2017 - 10:45 AM

Inquirer file photo

Umabot na sa P135 Million na halaga ng pinsala sa agrikultura ang naitala sa buong Ormoc City dahil sa magnitude 6.5 na lindol na tumama sa nasabing lungsod noong nakalipas na linggo.

Kaugnay nito, sinabi ni Ormoc City Mayor Richard Gomez na maraming mga magsasaka na ang apektado dahil sa nasabing kalamidad.

Sa ngayon ay magpapatupad ang local na pamahalaan ng cash for work program bilang ayuda sa mga nasalanta ng lindol.

Malaking bahagi pa rin ng Ormoc City ang walang suplay ng kuryente makaraang masira ang ilang mga linya ng kuryente sa lugar.

Sa pagpunta ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Ormoc City kamakailan ay kaagad niyang ipinag-utos ang pagbibigay ng cash assistance sa mga kaanak ng dalawang namatay at ilang mga sugatan dulot ng malakas na pagyanig.

TAGS: argiculture, earthquake, ormoc, Richard Gomez, argiculture, earthquake, ormoc, Richard Gomez

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.