R.P-U.S Mutual Defense Treaty mananatili ayon kay Duterte

By Den Macaranas July 15, 2017 - 09:22 AM

Inquirer file photo

Walang balak si Pangulong Rodrigo Duterte na ibasura ang Mutual Defense Treaty na nilagdaan ng Pilipinas at U.S noon pang 1950’s.

Sa kanyang talumpati sa 11th Ambassadors’ Tour Philippine Reception sa Davao City kagabi, sinabi ng pangulo na military alliance ng dalawang bansa sa kabilang ng kanyang mga batikos sa ilang polisiya ng Washington sa bansa.

Iyun din ang sinasabing dahilan kaya hindi siya pumapasok sa iba pang military alliances sa ibang mga bansa partikular na sa China at Russia.

Ipinaliwanag rin ng pangulo na totoong umiinit ang kanyang ulo sa ilang mga puna ang U.S government lalo na noong panahon ni dating Pangulong Barrack Obama sa isyu ng war on drugs ng kasalukuyang administrasyon.

Inamin rin ni Duterte na dahil sa mga puna ng U.S ay pakiramdam niya ay masyadong maliit ang pagtingin nila sa mga Pinoy bagay na kanyang hindi umano palalampasin.

Sa nasabing forum kagabi ay pinasalamatan rin ng pangulo ang tulong ng U.S State Department sa kampanya ng pamahalaan kontra sa terorismo lalo na sa nagaganap na kaguluhan sa Marawi City.

TAGS: duterte, Obama, philippines defense treat, U.S, Washington, duterte, Obama, philippines defense treat, U.S, Washington

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.