Mga mambabatas sa Taiwan, nagsakalan sa sesyon

By Rhommel Balasbas July 15, 2017 - 05:23 AM

Nagsakalan at nagbatuhan ng water bombs ang ilang mga mambabatas sa Taiwan dahil sa kontrobersyal na 19 bilyong dolyar na infrastructure project.

Nagsigawan at nagtulakan ang mga mambabatas para awatin ang halos magpatayan na sina Hsu Shu-hua ng grupo ng oposisyon na Kuomintang o KMT at Chu Yi-ying ng Democratic Progresive Party o DPP.

Mariin kasing tinututulan ng oposiyon ang proyekto dahil pabor lamang daw ito sa mga lungsod at rehiyon na sumusuporta sa kabilang partido.

Inaakusahan din nila ang DPP na ang kapalit ng infrastructure project ay ang suporta ng taong bayan para sa regional elections sa susunod na taon.

Kabilang sa proyekto ang pagtatayo ng mga light rail lines, flood control measures at green energy facilities.

Kinondena naman ng DPP ang inasal ng oposiyon na tinawag nilang “violent boycott” at humihingi sila ng “public apology”.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.