2 patay sa pananaksak sa sikat na resort sa Egypt

By Rhommel Balasbas July 15, 2017 - 05:22 AM

Dalawa ang patay habang apat naman ang sugatan sa insidente ng pananaksak sa sikat na Red Sea resort sa Hurghada, Egypt.

Ayon sa interior ministry officials, inaalam pa ang motibo sa pagpatay ng suspek na isang lalaki.

Napag-alamang kinailangan pang lumangoy ng suspek sa katabing pampublikong resort para makarating sa lugar na pinangyarihan ng krimen.

Kinilala naman ang dalawang biktimang turista na mga Germans, taliwas sa naunang naiulat na Ukrainian ang mga ito.

Samantala, pawang mga Czech Nationals naman ang dalawang iba pang nasugatan.

Bukod sa pagiging tanyag ng resort sa scuba diving, tatlong turista din ang sinaksak dito ng pinaniniwalang mga miyembro ng Islamic State noong January 2016.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.