Benjamin delos Santos, walang balak sundin si Aguirre na manatili muna sa BuCor

Naglabas si Justice Sec. Vitaliano Aguirre II ng isang memorandum para pansamantalang pigilan ang biglang pag-alis ni Benjamin delos Santos bilang director ng Bureau of Corrections (BuCor).

Sa nasabing memorandum, sinabi ni Aguirre na sa ngalan ng serbisyo at para hindi maantala ang operasyon ng BuCor, inaatasan niya si Delos Santos na magpatuloy muna sa kaniyang tungkulin habang wala pang desisyon ang pangulo tungkol dito.

Gayunman, nanindigan si Delos Santos na hindi niya susundin ang panawagan sa kaniya ni Aguirre.

Ani Delos Santos, maari namang mag-talaga si Aguirre ng isang officer-in-charge o undersecretary para hindi maantala ang operasyon ng kawanihan.

Samantala, nangunguna naman sa mga napipisil ni Aguirre na pumalit kay Delos Santos ay ang bagong director ng Dangerous Drugs Board na si retired Gen. Dionisio Santiago.

Ayon kay Aguirre, hihilingin niya kay Pangulong Rodrigo Duterte na maitalaga si Santiago sa BuCor upang maresolba ang paglaganap na naman ng bentahan ng droga sa New Bilibid Prison (NBP).

Read more...