INC, magsasagawa ng vigil sa iba’t ibang panig ng Pilipinas

By Antonio Villarama August 30, 2015 - 08:05 PM

 

Kuha ni Jun Corona

Sa entablado sa EDSA-Shaw Boulevard ay inanunsiyo ng isa sa mga ministro ng INC na may katulad na rally at vigil ang kanilang mga kasapi sa Cebu at sa Davao.

“Buong Pilipinas, ipagsisigawan natin ang hustisya,” ayon sa anunsiyo sa harapan ng mga kasapi ng INC na nagtipun-tipon sa EDSA-Shaw.

Hanggang ngayong araw lamang na ito ang rally permit na ibinigay ng Mandaluyong City Government ngunit sa entablado paulit-ulit na nadirinig ang anunsiyo at panawagan na,”Walang uuwi! Walang uuwi!”

Ayon sa INC, karapatan sa pag-rerelihiyon ang kanilang ipinakikipaglaban at patuloy na iginigiit ang anila ay ‘selective justice’ ng Department of Justice sa pamumuno ni Secretary Leila De Lima.

Umabot na sa bahagi ng Ortigas ang mga kasapi ng INC na nagtipon sa EDSA.

Marami pa ang padating mula sa mga kalapit na lalawigan tulad ng Bulacan at Pampanga.

 

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.