Pagsasampa ng kaso ng Ombudsman laban kay Aquino, nirerespeto ng Palasyo

By Kabie Aenlle July 15, 2017 - 04:40 AM

Iginagalang ng Malacañang ang desisyon ng Ombudsman na kasuhan si dating Pangulong Benigno Aquino III dahil sa umano’y kaugnayan niya sa nabulilyasong operasyon sa Mamasapano noong 2015.

Ayon kay Presidential Spokesperson Ernesto Abella, inirerespeto nila ang mandato ng Ombudsman na imbestigahan ang mga opisyal ng pamahalaan.

Kinikilala aniya ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagpapaka-bayani ng 44 na nasawing Special Action Force (SAF) commandos sa naturang operasyon.

Dahil dito, kaisa aniya ang pangulo sa mga humihiling na mabigyang hustisya ang mga biktima at pamilya ng Fallen 44.

Magbibigay aniya ito ng closure sa pangyayari, na isang bahagi ng healing process na pinagdaraanan ng mga kaanak ng mga nasawing SAF.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.