Mga kaalyado sa Senado, todo suporta kay Aquino

By Kabie Aenlle July 15, 2017 - 04:36 AM

Nagpakita ng suporta ang mga kaalyado ni dating Pangulong Benigno Aquino III sa Senado matapos magdesisyon ang Office of the Ombudsman na kasuhan siya kaugnay ng Mamasapano encounter noong 2015.

Ayon kay Sen. Panfilo Lacson, naniniwala siyang kayang depensahan ni Aquino ang kaniyang sarili laban sa mga isinampang kasong uruspation of authority at graft sa kaniya dahil sa umano’y kaugnayan niya sa nabulilyasong operasyon na ikinasawi ng 44 na police commandos.

Payo pa ni Lacson, kailangan ni Aquino na kumuha ng magagaling na abogado para sa kaniyang kaso.

Tiniyak naman Liberal Party president Sen. Francis Pangilinan na susuportahan ng partido si Aquino, at nanindigang naniniwala silang “in good faith” lahat ng mga naging hakbang noon ng dating pangulo.

Naniniwala din aniya silang kayang depensahan ni Aquino ang mga naging hakbang niya bago, sa kasagsagan, at pagkatapos ng insidente sa Mamasapano.

May tiwala rin aniya siya kay Ombudsman Conchita Carpio Morales na titiyakin nitong magiging patas at may kredibilidad ang pag-proseso nila sa katotohanan.
Kumpyansa naman si Sen. Bam Aquino na masasgot ng kaniyang pinsan ang mga kaso laban sa kaniya at na siya ay mapapawalang-sala rin kalaunan.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.