Isa na namang evacuee sa Marawi, tinamaan ng ligaw na bala

By Kabie Aenlle July 15, 2017 - 04:26 AM

Isang 55-taong gulang na evacuee ang panibagong biktima ng ligaw na bala sa habang nagpapahinga sa itinalagang quarters para sa kanila sa ikalawang palapag ng isang gusali sa loob ng compound ng kapitolyo sa Marawi City.

Ayon sa biktimang si Sulaiman Mangorsi, kalalabas lamang niya mula sa banyo at nagdesisyon nang tumabi sa kaniyang misis sa higaan.

Ngunit bigla na lang aniya siyang nakaramdam ng sakit sa kaniyang kaliwang braso dakong alas-tres ng hapon.

Kasunod nito ay bigla na aniyang namanhid ang nasabing braso at nang kaniyang silipin, doon na niya nakitang may sugat na pala siya.

Humingi ng saklolo si Mangorsi kaya agad siyang nadala sa Amai Pakpak Medical Center, kung saan kinailangan siyang operahan dahil bumaon sa kalamnan ang caliber 5.6 na balang tumama sa kaniya.

Ayon sa isang source ng Inquirer, ilang oras bago tamaan ng ligaw na bala si Mangorsi, isang sundalo rin sa isang headquarter ng military brigade sa tapat ng kapitolyo ang nasugatan din dahil sa tama ng bala.

Gayunman, hindi ito kinumpirma o itinanggi ng militar.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.