Pekeng traffic enforcer sa QC, arestado

By Kabie Aenlle July 15, 2017 - 04:13 AM

Timbog ang isang lalaking nagpapanggap na tauhan ng Department of Public Order and Safety (DPOS) ng Quezon City kahapon dahil sa pangingikil.

Naaresto ang pekeng enforcer na nakilalang si Reynaldo Cuntapay malapit sa Balintawak Market sa Barangay Unang Sigaw.

Nagsagawa na ng operasyon ang mga tunay na tauhan ng DPOS laban kay Cuntapay matapos makarating sa kanila ang mga sumbong na nangongotong umano ito sa mga motorista tuwing madaling araw.

Madalas na pinupuntirya ni Cuntapay ay mga driver ng truck, at hinihingan niya ang mga ito ng pera kapalit ng hindi pagbibigay ng violation tickets dahil sa pagsuway sa truck ban.

Dahil dito, minanmanan muna siya nang isang linggo ng DPOS security ang intelligence division, bago ikasa ang entrapment operation kay Cuntapay kung saan tumanggap siya ng P500 halaga ng marked money mula sa isang ahenteng nagpanggap na driver.

Nakumpiska mula kay Cuntapay ang mga traffic violation tickets, P1,800 na pera, mga lisensya at ID.

Sa ngayon ay nasa kustodiya na ng Quezon City Police District si Cuntapay na nahaharap sa kasong usurpation of authority at extortion.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.