Baligtad na presidential seal sa podium na ginamit sa speech ni Pangulong Duterte, pinuna ng netizens

By Dona Dominguez-Cargullo July 14, 2017 - 08:55 PM

Grab from PTV

Hindi nakalusot sa mata ng publiko ang baligtad na presidential seal sa podium na ginamit ni Pangulong Rodrigo Duterte habang siya ay nagsasalita sa isang pagtitipon sa Davao City.

Si Duterte ay panauhing pandangal sa 11th Ambassadors’ Tour Philippine Reception na ginanap sa SMX Covention Center sa SM Lanang Premier, Davao City, Biyernes ng gabi.

Ang nasabing talumpati ng pangulo ay inere ng live sa government station na PTV 4.

Sa simula pa lamang ng speech na tumagal ng nasa isang oras, marami nang netizens ang nakapuna na baligtad ang pagkakalagay ng presidential seal sa podium.

Sa unang bahagi kasi ng speech naka-wide pa ang kuha ng camera at kita ang seal sa podium.

Kabilang sa mga unang pumuna ang kolumnista na si Manuel L. Quezon III na dating assistant secretary sa Presidential Communications Development and Strategic Planning Office noong panahon ni dating Pangulong Aquino.

Sa kaniyang tweet, sinabi ni Quezon na baligtad ang presidential seal.

Marami rin ang nag-post sa social media ng larawan ng baligtad na seal at anila dapat bigyan ng respeto ang tanggapan ng pangulo ng bansa at tila kalapastanganan ang paggamit ng baligtad na seal.

Nang magsimulang dumami ang puna sa social media, hindi na ipinakita ang seal sa camera at sa halip ay kay Pangulong Duterte na lamang isinentro.

Ang mga aktibidad sa 11th Ambassador’s Tour Philippine Reception ay hanggang sa July 16, 2017.

Dinaluhan ito ng nasa 500 participants na pawang mga ambassadors, consul generals at tourism directors.

 

 

 

TAGS: Davao City, presidential seal, Rodrigo Duterte, upside down presidential seal, Davao City, presidential seal, Rodrigo Duterte, upside down presidential seal

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.