Lalaki, nailigtas matapos makulong sa loob ng ATM sa Texas

By Justinne Punsalang July 14, 2017 - 08:22 PM

WPXI Photo

Isang lalaki ang nakulong sa loob ng ATM sa Corpus Christi, Texas sa Estados Unidos at humingi ng tulong sa pamamagitan ng paglusot ng note sa receipt slot ng machine.

Ayon kay Corpus Christi Police Senior Officer Richard Olden, nagtatrabaho ang isang contractor sa loob ng isang kwarto na nakakabit sa mga ATM nang ito ay ma-lock-in.

Hindi raw dala ng nasabing contractor ang kanyang cellphone dahil iniwan niya raw ito sa loob ng kanyang truck.

Walang nakapansin sa pangyayari at patuloy ang mga tao sa pagwithdraw ng pera sa ATM.

Kaya naman naisipan ng contractor na magpadaan ng note sa receipt slot ng ATM.

Nakasulat sa note ang salitang “Please help. I’m stuck in here, and I don’t have my phone. Please call my boss.”

Dagdag pa ng pulisya, ang ilang mga nakatanggap ng note ay hindi ito sineryoso.

Mabuti na lamang at may isang inireport agad ang natanggap na note sa mga otoridad.

Ayon kay Olden, nang magpunta sila sa ATM ay mayroon nga silang naririnig na boses mula sa loob.

Hindi naman nabanggit ng pulisya kung gaano katagal na-stuck ang lalaki sa loob ng ATM.

 

 

 

 

TAGS: atm, man trapped inside ATM, Texas, US, atm, man trapped inside ATM, Texas, US

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.