Nilagdaan na ni Pangulong Benigno Aquino III ang Executive Order na nagpapalawig pa sa buhay ng Bangsamoro Transition Commission.
Sa ilalim ng EO 187, tatagal ang BTC hanggang hindi nararatipikahan ang Bangsamoro Basic Law sa pamamagitan ng plebisito.
Sa ilalim ng Malacañang draft na BBL, magsisilbi ang BTC na interim government hangga’t wala pang nahahalal na elected members ng Bangsamoro region.
Sa ilalim pa rin ng EO, maghahanda ang komisyon ng draft ng Code of Parliamentary procedures para sa Bangsamoro Parliament.
Gayundin, bubuo rin ng isang Bangsamoro Administrative Code para sa konsiderasyon ng Bangsamoro Transition Authority.
READ NEXT
Mga kasapi ng INC, bumuhos sa EDSA; daloy ng trapiko mula Shaw hanggang Ortigas at Guadalupe, apektado
MOST READ
LATEST STORIES