Supt. Marvin Marcos, maari pa ring masibak sa serbisyo ayon sa PNP

Hindi pa permanente ang pagbabalik trabaho ni Supt. Marvin Marcos bilang pinuno ng Criminal Investigation and Detection Group sa Region 12.

Paliwanag ni Philippine National Police (PNP) spokesman Chief Supt. Dionardo Carlos, depende pa kasi ito sa magiging resulta ng itinatakbong kasong kriminal ni Marcos sa korte.

May tsansa pa aniya na masibak sa serbisyo si Marcos kapag hindi naging paborable sa kanila ang naging desisyon ng korte.

Si Marcos ay una nang kinasuhan ng murder dahil sa pagpatay kay Albuera Leyte Mayor Rolando Espinosa Sr., subalit naibaba ito sa homicide.

Iginiit pa ni Carlos na nakasaad sa batas na kapag nakasuhan ng murder ang isang opisyal ng PNP, otomatikong may kaakibat itong leave of absence.

Pero dahil sa naging homicide na lamang ang kaso, na-lift na rin ang automatic leave of absence kung kaya nakabalik ito sa trabaho.

 

 

 

Read more...