2 bata, sugatan sa rifle grenade na tumama sa kanilang bahay sa Maguindanao

Sugatan ang dalawang bata nang paputukan ng hindi pa tukoy na mga suspek ng isang rifle grenade ang isang bahay sa Datu Anggal Midtimbang, Maguindanao kagabi.

Ayon kay Senior Supt. Agustin Tello, hepe ng pulisya ng Maguindanao, nagpapagaling na ang dalawang biktima sa isang ospital  sa Cotabato City.

Ipinahayag ni Tello na batay sa ulat ng pulisya sa Datu Anggal, nasa loob ng bahay ang mga biktima sa Barangay Poblacion nang bumagsak sa bubong nito ang 40 mm rifle grenade, dahilan para masugatan ang mga bata.

Wala pang umaako sa naturang insidente.

 

 

 

Read more...